Friday, March 28, 2008

GRADUATION DAY! =)

Ang aga kong nagising. 3:12am??? Goodness. Hindi naman ako sabik nyan?? Pero 12am nko nakatulog dahil dinaldal pko ng walang humpay ng butihin kong kapatid. Ayan. Kakain na lang, wala pang gana. Excited nga kasi. Bilis kong maligo, tutal pagpapawisan lng din naman. Ang init kaya dun sa People's Center!! Huhulas ang make-up NILA dun!! NILA?? Pagdating ng alas-singko nagpaayos na din ako. sus! Ang aga kong mambulahaw ng kapitbahay! buti na lng mabait si Auntie. Xa make-up artist ko mula pa nung isinali ako sa sagala nung 1993. hahah! Labo. 5.33 natapos un! tnease pa ata toh'ng buhok kong wlang direksyon. Aito na. . 5:45 nilayasan ko na ang madilim naming bahay. Madilim dahil baka pag binuksan ko ang ilaw ea batuhin ako ng unan ng kapatid ko. sayang and make-up. 6:08 ata kami dumating sa venue. Lutang ako. Di pa man namamaga na paa ko. May dalawang band-aid, tig-isang hinliliit. Wlang kwenta, mukhang walang silbi.
Una kong nakita si Arnie. Group leader namin na laging may nginig factor. Nagtitili ako ng makita ko si Tal. Ahahah! picturan. Daldalan. Pamfrendster ba. Tagal ni mae. on the way pa lng.Picture2 kasama ni taro, iris, tel. . atbp. mga prends. na mamimiss ko sa ayaw sa at sa gusto ko.

Eto na un ea. MARCH 26, 2008. Isang umagang kayganda. Katapusan na ng kalbaryo nating lahat. Puyatan para sa case study na irereject lng ng mga c.i. Iyakan dahil sa dami ng gastusin. Tapos na din ang paghingi ng allowance sa nanay mo, bawat hingi mo ng dagdag ay may katapat na kasinungalingan. Tapos na din ang paghingi mo ng pambayad sa mga 'bills' sa skool para may panload at may pantxt sa bf/gf, maraming natapos ngayong araw na toh. Tapos na din ang pangongopya mo ng sagot ng katabi mo lingid sa kaalaman mo na ikaw ay SET A at sya pala ay SET B. Sisisihin mo pa prof mo kung bakit di kagad sinabi. Tapos na din ang pagtambay sa kantin ni Nanay (di ko alm pangalan nun!) kahit na may nakalagay na 'this canteen is a place for EATING, not for STUDYING". Dahil pasaway ka, bingi ka sa paalala nung babae sa kantina ni Nanay (di ko alm ang pangalan nun!). Tapos na din ang pagpila mo ng pagkahaba-haba sa mistulang hanging bridge ng admin. office. Nasaksihan mo kung paanong ung resibong dating de-sulat ea naging computerized na. Nasaksihan mo din kung paanong ang isang makutim at kulay uling na tuod ay nagkaroon ng makintab at mamahaling sasakyang pwedeng panlaban ng paramihan ng nakurakot. At nasaksihan mo din kung paanong dumami ang uban sa ulo ng classmate mong akala mo matalino, un pla sadyang ubanin lang.Nakita mo din kung panong hinipuan ng mental patient ung kaklase mong nagmukha ng baliw kakaaral sa behavior ng mga pasyente ninyo. At buong buo mong nakita ung pagtatalik ng dalawang lalaking baliw sa WARD B ng dinutyhan nyong ospital. Nasuka ka sa dami ng pinagawa't pinasulat nung 3rd year ka. At mas lalo kang nasuka na halos lumuwa na mata't laman-loob mo sa dami ng papel na inaayos para makapag-board exam ka. Tapos na din ang pagbababad mo sa internet shop hanggang alas-onse ng hatinggabi para lang tapusin ang term paper at process recording tungkol dun sa dalawang baliw na nagtatalik at dun sa nanghipo sa kaklase mo. Tapos na din ang pagsagasa mo sa bagyo para makauwi kagad galing duty, at lalong tapos na ang pagwworry mo sa naiwan mong cap, nameplate, apron, hairnet, scrubsuit at smackgown. At di mo man aminin, alam mong habang humihinga ka ay parte ng buhay mo ang salitang TOXIC. Ang pagbabasa ng pocketbook habang naghihintay ng pasyenteng isasalang sa OR?? tapos na. . at di mo na rin mararanasang mapukpok ang kamay mo ng c.i. na galit sa mga TANGA at BAGUHANG gaya mo. hahah! Ngaun, makakatawa ka na. Dumaan sa buhay mo ang maraming bf/gf. Kahit na buong college life mo ea taken ka, bakante ka o taken for granted ka, magpasalamat ka na din. Ngaung tapos ka na, bawat salita mo ay batas sa knila. hahaha si Llira ang maysabi nyan.

Kulang pa yan sa buhay nursing. Ang lahat ng yan, mamimis natin. Pero syempre, katapat ng pagkatapos ng lahat ng yan ea bagong trabaho. ang magreview para maipasa ang borad exam. at pag naipasa mo toh, mas MAKAKAHALAKHAK ka na.

Sa mga taong naging parte ng college life ko, SALAMAT!!!

sa BSN 1 and 2 B, kayo ang unang tumanggap sa akin.sa BSN 3 to 4-O kayo ang tunay kong PAMILYA. Kay Tita Norie at Tita Nora na walang sawang nagpapadala ng pantuition ko, hehe!, kay Lola Clarita na sobraaaang bait skin,Kay Tita Loida na sumagot ng grad fees ko,sa iba pang mga kapatid ni Tatay sa US at oZ, sa mga kapatid ni Mother dear, mga pinsan, kay Auntie Lyn na sobraaaanggg bait as in!,kay Tita Zeny na handang mag-abot ng buong braso kahit kamay lang ang kelangan ko, kay KAPITAN ONIO de LEON!! SALAMAT PO! Kay INANG ZENAIDA ko at TATANG ANDRES, laking tulong nyo sa akin! sa buong TAMAYO-SANTOS clan, u've been a BIG PART of my success! heheh. . Kay Llira na kung hindi nag-asawa ea siguradong kasama kong nagtapos kanina at kasama ko ngaung nagkakape.haha! Sa GROUP23 cum W, salamat! Kay Arnie na di nagsawang maging leader namin kahit maraming minimeet na deadlines, kay Mae na bestfrend ko, kay Kreng at Tel kung san ang pera nila at pera ko ay iisa,haha! Kay nelle na mayaman sa skills at ganda, kay iris na mahilig magpicture, kay tarroza na mahilig magbaon ng pocketbook para pampalipas oras, kay dao na kahit bagong lipat smin ea nag-enjoy naman, kay Pitong na Drug-handbook ng grupo,kay Lovely na bumasag ng thermometer ko,ky joana na di madamot sa resources,kay shiena na ubanin. . hehe! SALAMAT senyo. . tol ko kayo! Sa mga c.i. na di nagsawang paliguan kami ng sermon para matuto, salamat! sa mga tao sa admin, registrar's ofc, sa guidance, gwardya, utility lalo na si Mang John, thank U! sa lahat. .

at xempre, di ko pwedeng kalimutan ang TUNAY kong PAMILYA na saksi sa lahat ng ups and downs ko sa pag-aaral. kay Tatay na matiyagang naghahatid-sundo sa kanyang unica hija, sa Nanay kong matiyagang naglalaba,namamalantsa at naghahanda ng uniporme't baon ko pag may duty, sa dalawa kong utol na kahit nakakaaway ko minsan ea nanjan pa rin para sa akin, kay raah, ang pet ko,kay jowa dhang, na nagssend ng datas na kelangan ko para maging UNO!, kina Kuya Jonar, kuya Rey, Kuya ruben, Kuya BOy na mga bestfriend ni Tatay sa pamamasada ng trike at tinutulungan kami pag lugmok na talaga, at kay ate Myla na ngpahiram ng reviewers para sa board! At sa inspirasyon ko, sa mahal kong BOSS! Og, alam mo na yun! hahah! mahal kita!
Xempre, last but not the least, salamat kay GOD dahil kung di dahil sa talino't tapang ng loob na binigay nya, di ko makakayanan lahat toh. CONGRATULATIONS sa lahat ng BATCH 2008 NURSING GRADS NG BPSU! MABUHAY TAYONG LAHAT and goodluck SA FOONYETANG BOARD EXAM!!! MWUUUUAAAAHHHHHHHXXXXXX!!!!!!!!



No comments: